PatrolPH

Magsasaka, habal-habal driver patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 10:29 PM

Napatay nitong hapon ng Martes ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Guihulngan, Negros Oriental.

Sa paunang impormasyon ng pulisya, bumibiyahe ang mga biktima — isang magsasaka at isang habal-habal driver — sa Barangay Hilaitan nang parahin at pagbabarilin sila ng tatlong lalaki.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga biktima.

Narekober sa pinangyarihan ang anim na empty shell at isang slug ng kalibre .45 na pistol, at tatlong empty shell at isang bala ng nine-millimeter na baril.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman sa droga ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaril.

-- Ulat ni Barbara Mijares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.