PatrolPH

Christmas tree na gawa sa kawayan patok sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 01:17 PM

Watch more on iWantTFC

Kapapasok pa lang ng Nobyembre ngunit ramdam na ang Pasko sa Calatagan, Batangas nang pailawan ang isang Christmas tree na gawa sa kawayan.

Inabot ng dalawang linggo ang pagbuo ng Christmas tree, na lagpas 6 metro at gawa sa kawayan, isang pangunahing materyales sa bayan.

Kumukuti-kutitap ang giant Christmas tree, kaya hindi pinalampas ng marami ang mag-picture taking dito.

Ihinalintulad ni Calatagan Executive Assistant Glenn Aytona ang paggamit ng kawayan sa pagbubuklod ng kanilang komunidad.

"Sama-sama lagi. 'Pag may unos, tulong-tulong. Sa hirap at ginhawa, tulong-tulong po dito sa Calatagan," aniya.

Isinagawa ang lighting ceremony ng puno nitong gabi ng Lunes, na hudyat din ng pagdiriwang ng founding anniversary ng bayan.

-- Ulat ni Val Balita, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.