2 lalaki patay sa Bulacan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 06:41 AM | Updated as of Dec 06 2019 06:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Dead on the spot ang 2 lalaki matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil Jr. ng San Jose del Monte police, napatay sa engkuwentro si Jayvee Ancho at kasamahan nito na si alyas Jun.

Napasama si Ancho sa drugs watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Nakipagtransaksiyon ang isang poseur buyer ng P500 halaga ng ilegal na droga laban sa mga suspek. Pero nakatunog umano ang mga suspek na isa itong police operation kaya nagpaputok sila sa mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta agarang pagkamatay ng mga suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang kalibre .38 na baril, isang sumpak, mga sachet ng umano'y shabu at motorsiklo na pagmamay ari ng mga suspek.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.