TINGNAN: Kabaong ni Albuera mayor Espinosa

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2016 01:36 PM | Updated as of Nov 06 2016 10:29 PM

Isinasailalim na sa autopsy ang bangkay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa sa St. Peter Chapel sa Ormoc City.

Si Police Chief Inspector Benjamin Lara ng SOCO Cebu ang nagsasagawa ng autopsy.

Nakahanda na rin ang kabaong na paglalagyan ni Espinosa.

Inaasahan na ngayong gabi maiuuwi na Sitio Tinago sa Albuera ang mga labi ng alkalde.

Nakatakda rin na i-autopsy ang bangkay ni Raul Yap.

Ipinagbawal na makunan sa media ang paggawa ng autopsy.

Bago napatay sa loob ng kanyang selda, tiniyak pa ng mayor noon sa kanyang anak na si Kerwin na hindi sila pababayan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa. Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.