3 patay sa pamamaril sa Caloocan

DZMM

Posted at Nov 06 2016 12:37 PM

Tatlong tao, kasama ang isang babaeng helper, ang patay matapos pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang salarin sa Magnolia Street, Tala, Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang isang biktima - Mary Ann Asentista, isang helper sa Meycauayan - habang dead on arrival naman sa Tala Hospital sina 
Beth Luis Guan at Joseph Garantes.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Ryan Rodriguez, pasado alas-onse nang gabi nang pasukin ng mga armadong lalaking naka motorsiklo ang bahay na inuupahan ng dalawang lalaki. Agad pinagbabaril ng mga suspek ang dalawang lalaki kasama ang ikatong biktima at mabilis na tumakas.

Posibleng may kinalaman umano sa ilegal na droga ang krimen dahil sinasabing mga drug user ang dalawang lalaki, habang nadamay ang babae na niyaya lamang sa nasabing bahay na ginagawang gamitan. 

Bukod pa rito, narekober rin ng SOCO sa bahay ang ilang drug paraphernalia. Ulat ng DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.