P7.1M halaga ng shabu, nasamsam sa entrapment operation sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2020 10:49 PM | Updated as of Nov 06 2020 04:38 AM

Kuha ng Pampanga PPO

May P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang entrapment operation sa Pampanga nitong Huwebes ng gabi.

Nahuli ang target sa ikinasang anti-illegal drug entrapment operation sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga.

Arestado ang isang 29 anyos na lalaki na taga-Angeles City. 

Nakuha sa kanya ang sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod pa rito, nakuha rin sa bulsa ng suspek ang 4 pang sachet bukod sa isang malaking bloke ng hinihinalang shabu na nakuha naman sa kanyang backpack.

Ayon sa PNP, nasa higit kumulang 1.25 kilo ang bigat ng nakuhang droga na hindi bababa sa P7.1 milyon ang street value.

Kakasuhan ng paglabag sa Sec. 5 & ​​11, Art. II ng RA 9165 ang suspek. - ulat ni Gracie Rutao

Watch more in iWantTFC