African swine fever 'mas malala pa sa COVID-19', ayon sa grupo ng magbababoy

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2020 10:45 AM

MANILA - Umaapela ang isang grupo ng mga magbababoy sa Pampanga para sa karagdagang tulong mula sa gobyerno habang wala pang bakuna para sa African Swine Fever (ASF) na umano'y mas mahirap lunasan kaysa sa COVID-19.

Mas mahirap labanan ang ASF kaysa sa COVID-19, ani Wency Tangcongco, presidente ng Pampanga Swine Producers Association.

"Walang sinabi sa COVID-19, napakahirap ng ASF," sabi ni .

"Mahirap po pigilan ang ASF kasi kahit anong disinfectant po gamitin namin, magspre-spray kami maghapon tapos bago pumasok isang araw pero tinatamaan pa din kami," aniya.

Maraming maliliit na magbababoy sa probinsya ang nababaon na sa utang dahil kahit ang mga biik ay namamatay dahil sa ASF, ani Toto Gonzales, Association Manager ng Pampanga Swine Producers Association.

"Kapag kami nag-restock gamit 'yung mga konting itinabing baboy para gawing inahin, pagnamatay po sila namamatay din e," sabi niya.

Watch more in iWantTFC

Hindi bababa sa 100,000 baboy mula sa Visayas at Mindanao ang idine-deliver sa Luzon upang mapanatiling sapat ang supply sa buong bansa habang wala pang bakuna para sa ASF, ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.