2 timbog sa buy-bust sa Pampanga; P450,000 halaga ng shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2020 12:19 AM

Kuha ng San Fernando PNP

Dalawang itinuturing na "high-value individuals" ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Jose sa San Fernando, Pampanga Martes ng gabi. 

Kinilala ang mga suspek na sina Gina Atabay, 47, at Adrian Mediavillo, 32, na parehong taga-Taguig. 

Nakuha sa dalawa ang 5 magkakaibang laki ng sachet ng hinihinalang shabu, na hindi bababa sa P450,000 ang halaga. 

Nakakulong na ang mga suspek at kinasuhan na ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.