Pag-pull out ng processed meat products sa mga Davao grocery, pinag-aaralan

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 10:40 PM

DAVAO CITY—Pinag-aaralan ng mga awtoridad sa Davao region ang posibleng pag-pull out ng mga processed meat product mula sa mga lugar na apektado ng African swine fever (ASF).

Kahit ASF-free ang Region XI, hindi pa rin panatag ang mga awtoridad. Patuloy pa rin ang pagbabawal sa mga meat product na makapasok sa rehiyon maging sa lungsod na galing sa mga ASF affected areas.

Isinaalang-alang din ang posibilidad sa pagpull-out ng mga processed meat product na ibinebenta sa mga supermarkets na galing sa mga lugar na apektado ng ASF.

Ang ilang mamimili, katulad ni Josefina Casintahan, 
umiiwas muna sa pagbili ng karneng baboy dahil sa takot sa ASF.

Aniya, manok na lamang muna ang kaniyang bibilhin para lutuin at itinda sa kaniyang karinderia.

Sa Bankerohan public market, aminado ang ibang meat vendor na humina bahagya ang kita nila sa panininda ng baboy dahil sa pangambang dala ng ASF.

May sapat pang suplay ng karneng baboy. Stable din ang presyo ng mga karne na naglalaro sa P185 hanggang P215 kasa kilo.

Sinisiguro rin ng mga meat vendors na mayroong National Meat Inspection Service (NMIS) certificate ang kanilang mga paninda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.