Jeep nahulog sa tulay sa Antique; 24 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 03:44 PM | Updated as of Nov 05 2019 04:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Video mula kay Edz Salonga

Dalawampu't apat na tao ang nasugatan ngayong Martes matapos malaglag ang sinasakyan nilang jeep mula sa isang tulay sa San Jose, Antique.

Nahulog sa irigasyon ang sasakyan matapos itong mawalan ng preno habang dumadaan sa tulay sa Barangay Atabay pasado alas-9 ng umaga, ayon sa ulat mula sa San Jose police.

Dinala sa ospital ang mga pasahero at ang 70 anyos na driver ng jeep, na nagtamo ng minor injuries. 

Posible umanong idetene ng pulisya ang driver.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.