Hukom sa Ilocos Sur patay sa pamamaril sa La Union

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 10:07 PM | Updated as of Nov 05 2019 10:14 PM

(UPDATE) Patay ang hukom na si Mario Anacleto Bañez matapos barilin pasado alas-5 ng hapon nitong Martes sa San Fernando, La Union.

Pauwi na sana ito nang mangyari ang insidente.

Idineklara itong dead on arrival sa ospital, base sa report ng mga pulis.

Hukom ng Regional Trial Court Branch 25 ng Tagudin, Ilocos Sur si Bañez.

Siya ang nagbasura sa kasong isinampa laban sa Cordilleran human rights worker na si Rachel Mariano.

Nakulong si Mariano sa Tagudin, Ilocos Sur matapos pagbintangan na mastermind umano ito sa pananambang sa mga sundalo sa Quirino, Ilocos Sur.

Sa desisyon ni Bañez, walang sapat na ebidensya laban kay Mariano.

Kinondena ng Cordilleran Human Rights Alliance ang nangyari sa hukom.

"We strongly condemn this brutal attack on Judge Bañez, which we believe is an attack on the core of the justice system he sought and worked so hard to prevail - fair, just and noble. A system where those who are denied of rights can find refuge and protection," pahayag ng grupo.

Mariin ring kinondena ni Chief Justice Diosdado Peralta ang nangyaring pananambang kay Bañez.

"On behalf of the Judiciary, I strongly condemn the killing of Regional Trial Court Judge Mario Anacleto Bañez of Tagudin, Ilocos Sur," pahayag ni Peralta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.