Nauuso na ang online shopping at naglipana na rin ang mga nagbebenta ng pekeng produkto gaya ng mga pabango at branded na gamit - na noo'y nabibili lang sa mga piling pamilihan.
Nagbabala si Atty. Noel Del Prado na may kalalagyan sa batas ang mga magbebenta ng pekeng produkto online.
Paglabag umano sa Republic Act (RA) No. 8792 o "Electronic Commerce Act of 2000" ang pagbebenta ng pekeng produkto online.
"'Yung E-commerce Act ay marami ding pinagbabawalan (gaya) ng fraudulent na promotion online," ani Del Prado sa programang "Usapang de Campanilla" nitong Martes.
Bukod pa rito, maaaring kasuhan ng Anti-Cybercrime Act ang magbebenta ng pekeng produkto sa internet.
"Kasama doon (sa Anti-Cybercrime Act) ang paggamit ng digital na platforms sa iligal na gawain," paliwanag ng abogado.
Tahasang ipinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng mga pekeng produkto, na humantong sa pagkakakulong at pagmumulta sa sino mang magbebenta o bibili ng mga ito, alinsunod sa Intellectual Property Code ng bansa.
Kung ina-advertise din ito online bilang lehitimong produkto, paglabag din ito ng RA 7394 o Consumer Protection Act.
Maaari ring ipasara ang mga mall na papayag sa pagbenta ng mga ilegal na produkto.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Usapang de Campanilla, online store, fake products, counterfeit goods, Consumer Protection Act, Intellectual Property Code, Anti-Cybercrime Act, Electronic Commerce Act of 2000