2 arestado sa ilegal na droga, baril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 09:54 PM | Updated as of Nov 05 2019 10:19 PM

Dalawang tao, kabilang ang isang dayuhan, ang inaresto ngayong Martes ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District, kinilala ang mga suspek bilang sina Jojo Devera, 32, at ang Indian na si Gurpreet Singh, 40.

Nakuha umano sa mga suspek ang 18 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P122,400, 2 kalibre-.38 na baril, 10 pirasong live ammunition, at isang digital weighing scale.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa pulisya.

—Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.