10 tiklo sa Makati buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 04:37 AM

MAYNILA—Timbog ang 10 katao, kabilang ang isang menor de edad, sa buy-bust operation sa Barangay Pembo, Makati City Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, target ng operasyon ay si Jayson Ongmanchi na dati nang nakulong sa kasong droga.

Nang mabilhan ng P1,000 halaga ng umano'y shabu si Ongmanchi, hinuli siya at 9 na iba pa, kabilang ang 5 babae, sa loob ng kaniyang inuupahang bahay. Isa sa mga suspek ay 12 anyos.

Nakumpiska sa kanila ang 81 sachet ng hinihinalang shabu, ecstasy tablets at mga baril. Tinatayang nasa P350,000 ang halaga ng mga droga.

Nakakulong ang 9 na suspek sa Makati City police habang ituturn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad.—Ulat nina Lady Vicencio at Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.