Foreigner tiklo sa pananapak ng delivery boy

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 09:09 AM

MANILA - Inaresto ang isang foreign national matapos umano itong magwala at manapak ng delivery boy sa D. Tuazon Street, Quezon City, Linggo.

Kuwento ng complainant na si alyas Nicolas, hinatid lamang nila ang kanilang kasamahan matapos ang isang pagtitipon nang bigla silang lapitan at ambahan ng suntok ng foreigner.

Naalarma ang mga guwardya nang sapakin ng foreigner si Nicolas kaya pinosasan nila ito at dinala sa Quezon City Police District (QCPD) Station 1.

Nagkasugat-sugat naman ang mukha at braso ng foreign national matapos itong umilag sa mga humuhuli sa kanya at humiga pa sa basang kalsada.

Hindi makausap nang maayos ang foreign national na 3 buwan nang naninirahan sa Pilipinas. Tumanggi rin itong sabihin ang kanyang pangalan at bansang pinanggalingan.

Ayon kay Senior Insp. Felipe Fermin Jr. ng QCPD, maaaring maharap sa mga kasong alarm and scandal at physical injuries ang suspek. Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.