10 tiklo sa ilegal na sabungan sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 05:47 PM

MANILA - Inaresto ang 10 indibidwal matapos salakayin ng mga pulis ang isang tupada sa Barangay Piela sa Dasmariñas, Cavite, Linggo ng umaga. 

Aminado ang isa sa mga naaresto na si Wilfredo Fronda na pumupusta siya ng P300 hanggang P500 kada tupada. 

Ayon kay Supt. Joel Estaris, hepe ng ng counter illegence task unit ng Calabarzon police, aabot P100,000 ang kabuuang pusta sa ilegal na sabungan. 

Nakuha rin aniya sa nasabing operasyon ang 5 manok na panabong. 

Nakilala ang iba pang naaresto na sina Fred Malunes, Herman Cadunon, Francsico Alcaraz, Raul Rasonable, Jimmy Marcos, Ramcer Gutierrez, Rico Relosa, Sergio Luberiano at Joven Tabino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.