PatrolPH

Presyo ng baboy, ilang gulay may taas-presyo sa Litex Market

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2021 12:45 PM

MAYNILA - Unti-unti nang tumataas ang presyo ng baboy at gulay sa Litex Market sa Quezon City. 

Ang laman, nasa P310 na mula P280 kada kilo. 

Ayon sa ilang nagtitinda, kailangan nilang taasan ang presyo dahil mataas na ang kuha nila sa supplier. 

Tumaas din ang ilang presyo ng gulay gaya ng repolyo, carrots, baguio beans, patatas, kamatis, talong, at calamansi. 

  • Repolyo - P130/kilo (dating P120/kilo)
  • Carrots - P150/kilo (dating P100/kilo)
  • Baguio Beans - P140/kilo (dating P100/kilo)
  • Patatas - P100/kilo (dating P60/kilo)
  • Kamatis - P60/kilo (dating P40/kilo)
  • Talong - P120/kilo (dating P100/kilo)
  • Calamansi - P80/kilo (dating P60/kilo)

Una nang nagbabala ang ilang grupo na posibleng tumaas ang presyo ng baboy kasabay ng serye ng oil price hike. 

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.