PatrolPH

Nasa P36-M halaga ng shabu nasamsam sa Bacoor; 3 babae inaresto

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2020 05:47 AM

MAYNILA - Arestado ang tatlong babae matapos makuhanan ng milyon-milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Bacoor, Cavite nitong Martes.

Ayon kay Brig. Gen. Vicente Danao Jr, regional director ng Calabarzon police, nagkasa ng buy-bust operation ang units ng pulisya kabilang na ang Cavite police, NCRPO, QCPD, at PDEA.
 
Nagsagawa ng operasyon sa Brgy. Molino 3 sa Bacoor kung saan nagpanggap ang isang pulis na bibili ng droga sa mga suspek. 

Matapos ang transaction, inaresto agad ang tatlong babae na sinasabing high value drug suspek. 

Nakuha sa kanila ang higit 5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P36 miyon. 

Tuloy pa rin ang pagtutugis sa mga high-value drug personality sa lungsod at inaalam rin sino ang supplier ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.