P3.4-M halaga ng 'shabu' nasamsam, 2 arestado sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 01:02 PM

ZAMBOANGA CITY — Arestado ang 2 suspek matapos makuhanan ng P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Zamboanga City, sabi ng lokal na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ikinasa ng Zamboanga City police at 7th Infantry Batallion ang operasyon noong hapon ng Linggo at nahuli ang 2 taong itinuturing ng PDEA bilang mga high-value target.

Nagsisilbing courier ng droga ang mga naarestong suspek, ayon sa PDEA agent na si Jury Rocamora.

Inaalam ng mga awtoridad kung sino ang supplier ng droga ng mga nahuli.

Bukod sa droga, nakuha rin sa mga suspek ang boodle money, mga cellphone, at mga bag.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Arugs Act of 2002. -- Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.