Mga estruktura sa Marawi nasira dahil sa buhawi

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 07:05 PM

MARAWI CITY - Ilang mga gusali at estruktura ang nasira ang bubong matapos namuo ang isang buhawi sa Barangay Bo pasado alas dos ng hapon Lunes. 

Tumagal ang buhawi ng sampung minuto ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office.

 

Kabilang sa mga nasira ang bubong ng isang paaralan sa loob ng temporary shelter ng mga internally displaced persons. 

Tinamaan din ang city hall at isang gusali malapit sa Amai Pakpak Hospital. Ilang mga sasakyan din ang nabagsakan ng mga yero.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Tong Pacasum, nag-iikot ngayon ang mga awtoridad upang tingnan ang lawak ng pinsalang dala ng buhawi at kung may mga nasaktan.

Wala pang naiulat na namatay o kaya'y inilikas dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.