2 dawit sa snatching, holdapan sa QC timbog

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 03:36 PM | Updated as of Nov 04 2019 07:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ng mga awtoridad noong Linggo ang 2 suspek sa mga insidente ng snatching at holdapan sa Quezon City matapos mahuli mismo ng isa sa kanilang mga biktima.

Nagte-text ang biktimang lalaki sa may Barangay Pasong Tamo nang bigla umanong hinablot ng 2 nakamotorsiklong suspek ang cellphone.

Hinabol ng biktima ang mga snatcher hanggang sa nahatak niya ang angkas na suspek.

Tumulong na rin ang mga tambay at tanod na nakakita sa paghuli sa mga suspek.

Ilang biktima na rin ang nagturo sa mga suspek na nangholdap sa kanila, gaya ng isang lola na nabiktima ng holdap noong Undas, ayon kay Lt. Col. Benjamin Gabriel ng Quezon City Police District Station 3.

Itinanggi naman ng isa sa mga suspek ang mga paratang.

Kakasuhan ang mga suspek ng robbery-snatching.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.