IRIGA CITY, Camarines Sur — Nanlumo pag-uwi ng bahay ang 61-anyos na evacuee na si Filipinas Platilla.
Bukod sa binaklas ng malakas na hangin ang bubungan nila, nabasa ng ulan ang kanilang mga gamit pati ang naipundar na appliances.
Ang ending, nangutang muna siya para maipayos ang bahay. "Wala na kaming matulugan," aniya.
Napinsala rin ang bahay ng mga kapitbahay niya sa Barangay Sta. Cruz.
Ang 63-ayos na si Nimfa Cortez, hindi pa tuluyang makauwi dahil lubog pa rin sa baha ang bahay.
Ilang pirasong itlog muna ang ulam ng kanyang pamilya habang naghihintay na mabigyan muli ng ayuda ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa Iriga City LGU, nagsasawa pa rin sila ng repacking ng relief goods para sa mga nasalanta.
Wala na ring baha sa central business district ng lungsod at nagpapatuloy ang clearing at power restoration efforts nila.
Sa Baao, Camarines Sur na marami ring posteng nasira, pinala na ang mga lupa at putik na iniwan ng baha.
Nasa state of calamity na ang Camarines Sur simula noong Lunes pero wala pa itong inilalabas na detalye sa lawak ng pinsala sa lalawigan ng super typhoon Rolly.
— Ulat ni Jonathan Magistrado
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, Rolly, RollyPh, Bagyong Rolly, pinsala ni Rolly, CamSur, Camarines Sur, Bicol Region, RNG, regional, rehiyon, region, regional news,TV PATROL, TV PATROL TOP