Delivery rider natagpuang patay matapos tangayin ng baha sa Batangas

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2020 05:44 AM

MAYNILA - Wala ng buhay nang matagpuan ang isang delivery rider matapos matangay siya ng flashflood sa Ibaan, Batangas noong kasagsagan ng bagyong Rolly. 

Ayon kay Commodore Armand Balilo ng Philippine Coast Guard, nagkasa ng search and rescue operation ang PCG matapos makakuha ng impormasyon na may motorsiklo na tinangay ng flashflood sa highway sa gitna ng hagupit ni Rolly. 

Nalaman pa na mag-asawa ang sakay ng motorsiklo. 

Nakita ang bangkay ng lalaki sa Brgy. Tinga habang buhay naman ang misis niya na agad nilapatan ng atensyong medikal. 

Tuloy pa rin ang rescue operation dahil meron pa isang nawawalang lalaki. May 23-anyos na lalaki umano ang natangay din ng malakas na agos ng tubig sa parehong lugar noong kasagsagan ng bagyong Rolly.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.