Binata nalunod sa patubigan sa Bataan

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2020 05:43 AM

MAYNILA - Wala nang buhay nang matagpuan sa patubigan ng sakahan ang isang 15-anyos na binata sa Orani, Bataan nitong Lunes.

Inireport na nawawala ang biktima matapos siyang maligo sa irrigation dam sa bayan.

Ikinasa ng PNP, BFP, Metro Bataan Development Authority at Philippine Coast Guard ang search and rescue operation sa Sitio Masapsap.

Pero natagpuan nang bangkay ang binata dahil sa pagkakaipit sa bato sa patubig.

Ayon sa mga barangay official, marami ang nae-engganyo ang mga tao na maligo sa nasabing dam kahit pa ipinagbabawal ito lalo tuwing ganitong panahon na maulan at malalim ang tubig.

Naibalik na sa kanyang pamilya ang labi ng biktima at balak namang maghigpit mga awtoridad sa pagbabantay sa naturang irrigation dam.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.