Photo courtesy of Philippine Coast Guard Northern Mindanao
CAGAYAN DE ORO CITY - Dumating sa Macabalan Port sa Cagayan de Oro City ngayong Linggo ang karagdagang relief goods para sa mga biktima ng pagyanig sa Mindanao.
Galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Central Visayas ang mga food packs, canned goods, trapal, at malong.
Mula sa Cagayan de Oro, agad ikinarga sa mga trak ng Philippine Coast Guard ang relief goods at ibiniyahe papunta sa mga lugar na naapektuhan ng lindol noong Oktobre 29 at 31 .
Ayon sa Philippine Coast Guard umabot na sa 45 toneladang relief goods ang naibiyahe ng kanilang barko.
Naunang nai-deliver nitong Sabado ang family food packs para sa 3,000 pamilya mula sa DSWD Western Visayas.
Cagayan de Oro City, Mindanao quake, DSWD, Philippine Coast Guard, relief goods