PatrolPH

P2-M halaga ng 'shabu' nakuha sa mag-live-in partner sa Dumaguete drug bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 02:53 PM

Nasa P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mag-live-in partner sa isang buy-bust operation sa Dumaguete City, Negros Oriental noong umaga ng Linggo.

Nasa 27 sachet ng hinihinalang shabu ang nabawi sa mga suspek, na itinuturing umanong high-value target ng Central Visayas police.

Matagal nang binabantayan ng mga awtoridad ang 2 suspek, na itinuturong source ng ilang naunang naaresto dahil sa ilegal na droga, ayon kay Lt. Col. Wilfredo Alarcon Jr., hepe ng provincial intelligence bureau ng Negros Oriental police.

Ayon naman sa mga suspek, na-frame up lang sila.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.