Nasa 80 bahay natupok ng apoy sa Cebu City

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 11:46 PM

CEBU CITY - Aabot sa 80 bahay ang nasunog sa Sitio Panting sa Barangay San Roque, Cebu City Linggo ng hapon.

 

Umabot nang mahigit tatlong oras bago naapula ang sunog.

Ayon kay Cebu Provincial Fire Marshal Superintendent Fritzie Manatad, nahirapan sila sa pag-apula sa sunog dahil maliban sa malakas ang hangin at masikip ang daan, may mga lamang goma ang isa sa mga gusaling nasunog.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog.

Nagsagawa na ng emergency session ang mga opisyal upang isailalim sa state of calamity ang Brgy. San Roque para magamit ang calamity fund.

Pansamantalang sisilong sa barangay gym ang mga biktima ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.