Bus tumagilid sa Skyway; 1 sugatan

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 11:19 AM

MAYNILA - Isa ang sugatan matapos sumalpok ang isang bus sa center island ng ginagawang Skyway sa Caloocan City nitong Linggo ng umaga.

Inararo muna ng bus ang concrete barrier sa bahagi ng North Luzon Expressway bago sumalpok at tumagilid sa center island, ayon sa mga awtoridad.

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang insidente. Tinanggal ang bus gamit ang isang crane.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.