2019 bar exams umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 01:59 PM | Updated as of Nov 03 2019 06:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Umarangkada ngayong Linggo sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila ang bar examinations, na nilahukan ng higit 8,000 examinees.

Sa pagbubukas ng bar exams, mga banner at musika ang sumalubong sa mga kumuha ng pagsusulit mula sa kanilang mga kaanak, kaibigan at mga tagasuporta mula sa iba't ibang paaralan.

Nagtungo rin sa UST si Chief Justice Diosdado Peralta para magpakita ng pakikiisa.

Nagpakita rin ng suporta sa examinees ang grupo ng mga abogado na National Union of Peoples' Lawyers.

Hinigpitan ng Manila Police District of seguridad sa paligid ng UST.

Lumutang din ang mga taong nagpakita ng malasakit para sa mga kukuha ng pagsusulit, gaya ni Ronald del Rosario.

Binitbit ni Del Rosario — na kasama ang kaniyang misis na kumuha ng bar exam — ang mga bag ng examinees at nagpahiram pa ng sapatos sa examinee na nasiraan ng sapatos.

May 4 na parte ang bar exams na gagawin kada Linggo ng Nobyembre.

Idaraos ang mga susunod na bar exams sa Nobyembre 10, 17 at 24.— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.