14 residente nasagip sa kabundukan sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 04:06 PM

Inilikas nitong Linggo ang 14 residente mula sa kabundukan ng Barangay Luayon, Makilala, Cotabato. Philippine Information Agency-Soccsksargen

Nasagip ang 14 residente mula sa kabundukan ng Barangay Luayon, Makilala, Cotabato nitong Linggo.

Inilikas ang mga residente dahil sa banta ng panibagong landslide.

Pahirapan ang pag-rescue dahil kinailangang lumapag ng helicopter sa bundok na may malalaking bitak.

Dinala ang mga residente sa evacuation center. -- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.