Lalaki patay sa pamamaril sa South Cotobato

Francis Canlas, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2017 09:06 PM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa bayan ng Polomolok, South Cotabato Biyernes ng umaga.

Naglalaro ang biktimang si Aris Solaiman sa loob ng isang internet café nang lapitan ng gunman.

Nakatakbo pa ito sa loob ng compound na katabi ng café. Doon na siya inabutan ng salarin at saka pinagbabaril.

Agad na tumakas ang suspek. Hindi na hinintay pa ng pamilya ang mga pulis at kinuha na ang katawan ng biktima para ilibing agad alinsunod sa paniniwalang Islam. 

Tumanggi rin silang magbigay ng pahayag sa media.

Ayon kay barangay chairman Emmanuel Labrador, nauna nang naisangkot sa ilegal na droga ang biktima. 

Ayon sa pulisya, may kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang biktima noong 2015. May kaso din itong panggugulpi noong Abril 2017 pero naareglo nito ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.