PANOORIN: Warehouse sa Legazpi City, sumiklab

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2020 03:00 AM

MAYNILA - Isang warehouse sa Legazpi City, Albay ang sumiklab matapos daanan ng Bagyong Rolly ang lungsod nitong Linggo.

Ayon sa isang Facebook post ng Philippine Information Agency-Albay, nasunog ang LCC warehouse na nasa tabi lang ng Concourse Convention Center sa Brgy. San Roque.

 

Ayon sa mga awtoridad, nanganganib ang mga karatig na kabahayan sa naturang warehouse.

Naramdaman ng husto ng mga residente ng taga-Legazpi ang pagtama ng Bagyong Rolly, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo ng taong ito.

Isa sa mga matiding tinamaan ang Bicol Region, kung saan ilan na ang namatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.