‘Most wanted’ umano sa Navotas, tiklo sa kasong rape, sexual assault

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 10:38 PM

MANILA—Timbog ang itinuturing na "most wanted personality" ng Navotas City Police sa Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa apat na kasong rape at sexual assault batay sa inilabas na warrant of arrest ng Navotas RTC Branch 9. 

Ayon sa public information office ng Northern Police District, Marso nang hawakan ng suspek ang isang menor de edad sa maselang bahagi ng katawan nito. 

Nasa kustodiya na ng pulisya ng Navotas ang suspek. 

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.