Higit P600,000 halaga ng shabu nakumpiska sa lalaki sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 10:37 PM

MAYNILA—Isang lalaki ang nakuhanan ng baril at tinatayang P684,000 halaga ng umano'y shabu sa Barangay Tala, Caloocan City nitong Sabado.

Ayon kay Northern Police District director Police Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, natiyempuhan nila ang suspek na si Saude Monti habang nanonood ng basketball sa barangay gymnasium.

May dala umano itong kalibre .38 na baril kaya dinampot.

Nakumpiska din sa suspek ang 2 malaking sachet ng shabu na may timbang na 100 gramo.

Sinampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.