Boarding house sa Bacolod na ginawang imbakan ng kagamitan, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 07:57 PM

Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga nasunog na kagamitan, ayon sa BFP. Retrato mula kay Martian Muyco, ABS-CBN News

BACOLOD—Nasunog nitong Sabado ng tanghali ang isang boarding house sa lungsod na ito.

Natupok ang itaas na bahagi ng boarding house na ginawa umanong bodega kung saan nakaimbak ang ilang construction materials at iba pang kagamitan.

Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga nasunog na kagamitan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Patuloy na inaalam ng BFP ang dahilan ng sunog.

Walang naiulat na nasugatan sa nangyari.

—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.