4 na pamilya inilikas sa landslide sa Catbalogan City

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 01:40 PM

Agad na inilikas ang mga pamilyang naapektuhan ng landslide sa Barangay 8 sa Catbalogan City, Samar. Larawan mula sa Bureau of Fire Protection sa Catbalogan City

Apat na pamilya ang inilikas ng awtoridad matapos ang landslide sa Purok 3, Barangay 8 sa Catbalogan City sa Samar, Biyernes ng gabi.

Gumuho ang lupa sanhi umano ng mga pag-ulan na naranasan simula pa noong Huwebes.

Wala namang nasaktan sa mga nailikas na pamilya na tinatayang nasa 11 indibidwal.

Pansamantala silang nakikitira ngayon sa kanilang mga kamag-anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.