Rescue operation sa gumuhong DPWH building, itinigil na

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2018 12:10 PM | Updated as of Feb 02 2020 01:59 PM

Itinigil na ang rescue operations sa gumuhong gusali ng Department of Public Works and Highways sa bayan ng Natonin, Mountain Province 3 araw matapos matabunan ng landslide, sabi ng alkade ng bayan, Biyernes.

Natabunan ng lupa ang 3 gusali ng DPWH matapos gumuho ang isang bahagi ng bundok sa kasagsagan ng bagyong Rosita noong Martes.

"We have already declared na wala nang rescue, it's more on retrieval," sabi ni Natonin Mayor Mateo Chiyawan sa isang panayam sa DZMM.

"Ang concentration namin sa first floor sana, pero noong nag-umpisa na magtrabaho, wala na palang first floor. Pati yung first floor natangay," ani Chiyawan.

Walo ang kumpirmadong patay habang patuloy pang hinahanap ang labi ng 17 iba pang tauhan ng DPWH na nasa loob ng gusali nang mangyari ang insidente, sabi ng alkalde.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.