Sekyu, patay sa pamamaril ng kainuman

Rodge Cultura, ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 02:02 AM

PNP handout photo

BUTUAN CITY - Nauwi sa karahasan ang inuman ng dalawang security guard kung saan patay ang isa sa Barangay Bading, Butuan City Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Rey Villamor matapos itong barilin sa ulo ng karelyebong guwardya na si Michael Lascuña.

Nangyari ang insidente sa loob ng compound ng First Standard kung saan pumapasok ang dalawa.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, nagkasagutan si Villamor at Lascuña habang nag-iinuman sa oras ng trabaho.

Nagkahamunan ang dalawa hanggang sa nabaril ni Lascuña ang biktima. Agad naman sumuko ang suspek at nasa kustodiya na ng Butuan City Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.