PatrolPH

Tulong hatid sa mga taga-'Barrio Bisaya' sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2021 04:51 PM | Updated as of Nov 01 2021 07:34 PM

Watch more on iWantTFC

Dahil sa kawalan ng trabahong dulot ng community quarantine, pagtitinda ng saging ang pinagkakakitaan ngayon ni Bartolome Sarco sa lugar na binansagang "Barrio Bisaya" sa Barangay Tungkong Mangga sa San Jose del Monte, Bulacan.

Marami sa mga taga-Barrio Bisaya ay mga dating construction worker na lumipat sa pagsasaka para may pantustos sa pamilya.

"Kung walang trabaho sa construction, gutom ang aabutin mo kaya nagsisikap kami na magtanim," ani Sarco.

Pero pahirapan din ang pagbenta ng mga produkto ng mga magsasaka.

"Ang tanim namin, bagsak-presyo dahil walang bumibili," ani Sarco.

"Malaki 'yong pinagkaiba kaysa noong una. Ang laki ng nabawas na kita 'yong pag-deliver," sabi naman ni Zaldy Glee, purok leader sa Barangay Tungkong Mangga.

Sa tulong ng local government unit ng San Jose del Monte, namigay ng ayuda ang ABS-CBN Foundation sa mga taga-Barrio Bisaya.

Kasama sa mga naipamahagi ang supply ng bigas, mga de-lata at hygiene kits.

"Malaking bagay na 'yon sa taga-nandito... Maka-survive nang 1 o 2 linggo," sabi ni Sarco.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.