TINGNAN: Mga yero nilagyan ng pangalan sakaling liparin ng bagyo

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2020 11:30 AM

Retrato mula kay Ronnie Sta. Ana

Nilagyan ng pangalan ng isang residente ng Pili, Camarines Sur ang mga yero ng kanilang babuyan sakaling liparin ng malalakas na hanging dala ng bagyong Rolly.

Ayon kay Ronnie Sta. Ana, nakailang beses na kasi silang nawalan ng bubong tuwing may bagyo kaya nakiusap siya na kung sino man ang makapupulot o makakukuha ng kanilang yero ay sana'y ibalik sa kanila ang mga ito.

Bukod sa pangalan, isinulat din ni Sta. Ana sa mismong bubong ang kaniyang contact number.

Itinaas nitong umaga ng Linggo ang pinakamalakas na tropical cyclone signal warning no. 5 sa Camarines Sur, na maaaring makaranas ng "maladelubyong pag-ihip ng hangin," sabi ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas.

Inaasahang maraming lugar din sa lalawigan ang walang kuryente at komunikasyon dahil natumba ang mga poste at puno.

Watch more in iWantTFC

-- Mae Pulvinar

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.