PANOORIN: Hagupit ng Bagyong Rolly, ramdam na ramdam sa Legazpi City

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2020 11:51 PM

Naramdaman ng husto ng mga residente ng ilang lugar sa Pilipinas ang pagtama ng Bagyong Rolly, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo ng taong ito.

Isa sa mga tinamaan ang Bicol Region, kung saan ilan na ang namatay. 

Kasama sa tinamaan sa rehiyon ang Legazpi City, Albay, kung saan madami ang natumbang puno dulot kay Rolly nitong Linggo.

 

Ayon sa Office of Civil Defense sa Bicol, nasa 10 na ang nasawi sa rehiyon habang 3 iba pa ang nawawala.

Nasa 390,298 na mga residente ang inilikas dahil sa mga ulan at baha bunsod ng bagyong Rolly.--May ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.