Retrato mula sa Bulalacao Public Information Office
Patay ang isang 78 anyos na lalaki mula Bulalacao, Oriental Mindoro matapos atakihin sa puso sa gitna ng paglilikas bilang paghahanda sa bagyong Rolly ngayong Linggo.
Nakaupo si Aladino Alarcon sa labas ng isang simbahang ginawang evacuation center nang atakihin sa puso, base sa ulat ng Bulalacao Public Information Office (PIO).
Naghihintay si Alarcon na papasukin sa evacuation center matapos umanong ilikas mula sa Sitio Tabuk ng Barangay Poblacion nang biglang manikip ang kaniyang dibdib at mahirapan siyang huminga.
Dinala pa sa ospital si Alarcon pero idineklara ring dead on arrival.
Inilagay muna ang labi ni Alarcon sa municipal gymnasium.
Hindi bababa sa 722 pamilya o halos 2,000 katao mula sa 15 barangay ng Bulalacao ang inilikas na dahil sa Rolly, sabi ng PIO ng munisipyo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regional news, regions, Bulalacao, Oriental Mindoro, heart attack, evacuation, Rolly, RollyPH, Bagyong Rolly