Higit 1,500 pamilya, inilikas sa Cavite dahil sa bagyong Rolly

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2020 11:32 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Malakas pa rin ang hangin sa ilang bahagi ng Cavite na dala ng bagyong Rolly nitong Linggo ng gabi, kaya't sa mga evacuation center muna magpapalipas ng gabi ng higit 1,500 pamilya mula sa coastal areas ng lalawigan.

Hiling ng evacuees ang mga diaper at gatas para sa mga bata, at katatapos lang ng huling evacuation ng ang Philippine Coast Guard-Cavite sa Bacoor, na isa sa mga lugar na delikado na storm surge dala ni Rolly.

Ayon kay Lt. Michael John Encina, commander ng PCG-Cavite, inaasahan pa ring mararamdaman sa lalawigan ang malakas na hangin dala ni Rolly kaya nananatili silang naka-full alert.

Naobserbahan din ang malalaking alon sa Tanza, Cavite City.

Wala namang maritime incident ang naitala ng Coast Guard sa buong maghapong pagtama ni Rolly.

Suspendido pa rin ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat hangga’t hindi pa gumaganda ang panahon o nananatili pa rin ang dalang hangin at ulan ni Rolly sa lugar.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.