PatrolPH

Dolomite beach, buhay pa kahit tila nabawasan dahil sa bagyong Rolly

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2020 05:20 PM

Dolomite beach, buhay pa kahit tila nabawasan dahil sa bagyong Rolly 1
Bandang als 4 ng hapon ng Linggo, kalmado pa ang Manila Bay sa kabila ng malakas na hangin at pag-ulan na dala ng bagyong Rolly. Jerome Lantin, ABS-CBN News

MAYNILA — Buhay pa ang dolomite o artificial white sand sa dalampasigan ng Manila Bay kahit pa tila unti-unti itong nababawasan dahil sa bagyong Rolly.

Nananatili pa rin kasing kalmado pa ang Manila Bay bandang alas 4 ng hapon sa kabila ng paglakas ng hangin at pabugso-bugsong pag-ulan sa Maynila.

Watch more News on iWantTFC

Samantala, nauna nang nagpatupad ng forced evacuation Linggo ng umaga ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at Manila Police District sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Arnel Angeles, Director ng MDRRMO, 120 pamilya ang nasa peligrong abutin ng tubig sa lugar na katabi katabi ng pantalan kaya kinailangang pwersahang dalhin sa evacuation center. 

Watch more News on iWantTFC

Isinailalim rin sa swab test ang mga evacuees na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ayon sa Manila Health Department, kabilang dito ang mga evacuee sa Smokey Mountain at R. Almario Elementary School.

Dadalhin ang mga makikitaan ng sintomas na sumailalim sa test sa Delpan Quarantine Facility kung saan nila hihintayin ang resulta.


- ulat nina Jerome Lantin at Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.