VIRAL: Bus na pa-Bataan naiwan ang konduktor sa stopover

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2019 08:02 PM | Updated as of Nov 01 2019 09:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Viral ngayon sa social media ang hindi sinasadyang pag-iwan ng isang bus sa konduktor nito sa isang stopover sa North Luzon Expressway. 

Ayon sa post ni Roby Elean Lacsamana, papuntang Mariveles, Bataan ang kanilang bus nang biglang mapahinto sa expressway. 

Nabatid na lang ng drayber ng bus na naiwan ang kanilang konduktor, na bumaba sa isang stopover. 

 

Ayon kay Lacsamana, nakabalik naman ang konduktor matapos maisakay ng ibang bus. 

"Sakit sa ulo. Pati konduktor nanggo-ghost​," ani Lacsamana, na ipinares ang pahayag sa dalawang laughing emoji. 

Umani ng 24,000 reactions, 8,000 shares, at 1,400 commetns ang post ni Lacsamana sa Facebook. 

Dahil dito, nagpaalala si Lacsamana na suriin kung kompleto ang bus bago lumarga. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.