2 miyembro ng robbery-holdup gang, timbog sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2019 10:21 PM

MAYNILA—Kalaboso ang dalawang residente ng Pasig na itinuturong miyembro ng robbery-holdup group sa lungsod.

Ayon kay Police Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig City Police, dumulog sa pulisya ang tatlong kabataan upang ipaalam ang panghoholdap sa kanila ng dalawang lalaki sa Barangay Pinagbuhatan.

Nakatakas umano ang mga suspek sakay ng motorsiklo ngunit natunton din sila sa Barangay Kapasigan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang granada, replica gun at patalim.

Narekober din ang ilang mga ninakaw na personal na gamit ng mga kabataan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery holdup at illegal possession of firearms, ammunition, and explosives.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.