P100-K halaga ng hinihinalang marijuana, nasamsam sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2018 04:35 AM

Larawan mula sa Iriga police

CAMARINES SUR—Nasamsam ng mga pulis ang nasa P100,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa lungsod ng Iriga Miyerkoles ng hapon.

Nakalagay ito sa isang bag na iniwan malapit sa mga nakatambak na basura sa Molave St., Barangay San Juan.

Ayon kay Supt. Chito Oyardo, hepe ng Iriga police, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasiyon ukol sa kahina-hinalang bag. Umaga pa nang makita ang abandonadong bag sa lugar.

Hinala ng pulisya, idi-distribute ito sa ilang pupunta sa sementeryo para sa Undas, lalo na sa mga kabataan na kalimitang gumagamit nito.

Dadalhin sa crime laboratory ang umano'y ilegal na droga upang makompirma kung marijuana ito. — Ulat ni Rona Nuñez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.