PatrolPH

Lalaki timbog matapos magnakaw ng palaman, keso de bola

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2018 08:10 AM

MAYNILA - Sa kulungan mag-u-Undas ang isang miyembro ng umano ng "Bahala Na Gang" matapos mahuling nagnanakaw sa isang grocery store sa Cubao, Quezon City ngayong Huwebes.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, pumasok sa grocery store ang 40 anyos na lalaki at dahan-dahang isinilid sa kanyang bag ang ilang palaman at keso de bola. 

Napansin naman ng guwardiya ang kahina-hinalang kilos ng suspek kaya ininspeksiyon muna niya ang bag nito. Doon na nakita ng guwardiya ang 11 pakete ng sandwich spread at 2 keso de bola.

Paliwanag ng suspek, ibebenta niya sana sa halagang P50 kada piraso ang sandwich spread. Pangtustos umano niya ito sa mga pangangailangan ng kanyang 3 anak.

Mahaharap sa kasong theft by shoplifting ang suspek na tatlong beses na umanong nahuhuli sa pagnanakaw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.