Jeep sumalpok sa malaking bato sa Misamis Oriental; 17 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2018 04:18 AM

Larawan mula sa Gingoog police

MISAMIS ORIENTAL—Sugatan ang 17 katao matapos sumalpok sa malaking bato ang kanilang sinasakyang jeep sa bayan ng Gingoog, Misamis Oriental, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa tsuper na si Viggy Arche Abecia, nawalan umano ng preno ang jeep habang binabaybay nila ang Gingoog-Claveria Road.

Nagdesisyon na lang siyang ibangga ang jeep sa malaking bato sa gilid ng kalsada imbes na mahulog ito sa bangin.

Agad na dinala sa malapit na ospital ang mga biktima na mga estudyante at guro ng St. Isidore School of Medina.

Galing umano sila sa Archbishop Cup sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental.

Iniimbestigahan na ng traffic section ng Gingoog police ang insidente. - Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.