Waiter, sinaksak dahil umano sa masamang titig

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 05:53 AM

Patay ang isang waiter ng restobar sa Tondo, Maynila matapos itong saksakin ng customer Miyerkules ng madaling araw.

Nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib si Billy Santos na nagresulta sa pagkamatay nito. 

Unang araw sana ng binata kahapon sa kanyang trabaho.

Naaresto naman ng pulis ang suspek na kinilalang si Arcito Esperas.

Ayon kay Angelo Peralta, cashier sa naturang bar, bigla nalang lumapit si Santos sa kanya na duguan.

"Sinabi niya, 'may tama ako...sinaksak ako,'" sabi ni Peralta.

Ayon sa suspek, hindi niya nagustuhan ang tingin ng biktima. 

"Kanina pa po kami nag-iinom dito. Hindi namin nagustuhan tempo o pakikisama niya," sabi ni Esperas.

Kinuha ng suspek ang patalim sa kanyang bag at sinaksak sa dibdib ang biktima.

Mahaharap si Esperas sa kasong murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.